marami akong tanong sa isip ko.. nalilito, nasasaktan, nahihirapan ako.. ano bang iisipin ko o anong gagawin ko?
kagabi humingi ako bigla ng espasyo sa kalagitnaan ng aming alitan. hindi ko na kasi alam, hindi niya ako maintindihan. puro galit o anu pa man ang bumalot as aming dalawa.
hindi na nga kami nagkikita ng madalas, ganito pa ang nangyayari..
kasalanan ko ba? siguro nga, kasi ako lang naman tong laging makulit at nagaalala. kung asan na siya, kung anong ginagawa niya, o kung sinong kasama niya.
ako lang naman tong laging nag papaalala na behave lang siya palagi.. nakukulitan na siguro siya at nasasakal. sabi niya, overprotectiv daw ako.. hindi naman eh! ang akin lang natatakot ako na baka gumawa siya ng kalokohan at masira kami. ang dami na naming pinagdaanan, marami na siyang kasalanang nagawa, inintidi at pinatawad ko siya noon, kaya hanggang ngayon kami pa rin..
pero ngayong ako ang mali, (alam ko kasalanan ko kung bakit kami nagkakaganito) pero hindi niya man lang ako maintindihan, o hindi man lang niya ako intindihin, inuunahan niya ng galit at inis.. ang hirap lang din sa akin, dahil concern lang ako sa relasyon namin at kinakausap ko siya hindi para awayin kundi para i-assure ang sarili ko na wala akong dapat problemahin o hindi ako dapat mag isip ng masama.
ang daming nanyayari kaya ako nagkakaganito. naiisip niya kaya yun?
ngayon ang sakit-sakit kasi wala siya at hinayaan niya ako. asan siya? naiisip niya ba ko? kung anong nararamdaman ko? ='(
nasaktan pa ko sa sinabi niya, na wag ko daw hayaang magbago ang pagtingin niya sa akin dahil baka pati nararamdaman niya sakin magbago rin.
dun ako napaisip, sa ganito kababaw na dahilan lang ba mawawala ang pagmamahal niya sa akin? sa mga lumipas na araw, puro inis at galit ang pinakikita niya sa akin, palagi niya kong inaaway dahil sa konting salita o kilos ko na hindi niya magustuhan. ano bang meron at ganyan ka? may bago na ba? ito ang hirap pag hindi na nagkakasama eh.. ang hirap-hirap magisip..
sinabi ko na hindi ko muna siya kakausapin, itetext o tatawagan. i want to put space between us. nasasakal ba siya? wala naman akong nakitang ginawa kong mali talaga eh. madali naman akong kausap. pero wala talaga siyang alam as kung paano ako i-handle, ni hindi ka nga gumagawa ng way para mapasaya man lang ako eh. gusto mo puro ikaw! napaka self centered mo! hirap lang ako iwan ka kasi mahal kita. at ayokong masayang lahat ng pinagdaanan natin.
pero pag iniisip ko, ako lang naman tong laging gumagawa ng way eh, ako lang tong gustong kasama ka palagi. ako lang tong hindi mapakali pag kahit text wala. ako lang tong bigay ng bigay, kahit wala akong makitang kapalit. oo mabait ka sa akin, pero hindi sapat yung iilang ala-ala na naiisip ko para dito.
ngayon nagmamatigas ka.. sa totoo lang nanghihina na ako. pero magmamatigas din ako. nakakatakot actually kasi baka matuluyan tayo. pero hindi ko talaga alam gagawin ko. natatakot ako kasi ang alam ko hindi ko kaya pag wala ka,, pero ano ba talaga ang tama?
madalas, gusto na kitang i-give up, akala mo ba? hindi ko lang magawa kasi baka hindi ko kayanin ang resulta. duwag nga siguro ako. anong magagawa ko, ikaw palang ang minahal ko sa buhay ko. alam ko naman na bata pa ako. minsan gusto ko ng makakilala ng iba, pero nakaka-guilty naman.
sa relasyon na to, oo siguro nga kahit papano mahal mo ko. nararamdaman ko naman yun, pero hindi sapat, kaya nga may maliit ka lang na magawa tuwang-tuwa na ko. ngayon napatunayan ko, ako yung MAS nagmamahal sa atin, kaya ako yung MAS nasasaktan at laging nahihirapan.
umiiyak ako sa harap mo pero anong nakita ko sayo? ilang beses mo ko pinabayaan. inexpect kong yayakapin mo ko, pero pagalit ka pang nagtanong ng, "BAKIT UMIIYAK KA PA DIYAN!?" nakakasama ka na ng loob
nakakalungkot, marami pa tayong plano, marami pa nga tayong balak puntahan this month. ngayon wala kong idea kung maayos pa natin to, siguro nga.,pero pwede ring hindi na. lagi ko namang binibigay sayo ang desisyon eh. ikaw ang may hawak ng relasyon na to, kasi ako pagod na kong alagaan kugn anong meron tayo..
kasi ako nga mismo pinababayaan mo, relasyon pa kaya na to! T_T
[ 6 kisses.. ]


